Monday, November 05, 2007

Mga Problema sa Araw-Araw at Pakikipagsapalaran ng mga Pinoy

Ang dami-daming problema ng mga Pilipino sa araw-araw.


1. Ang traffic at iba't-iba ang rules sa Metro Manila- aamin ang lahat ng Pilipino dito. Ang masalimuot, sala-salabat, buhol-buhol na trapik sa MM, at iba-ibang rules ng traffic sa Metro Manila. Imagine, iba ang traffic rules ng Pasay at Makati. Hindi kasi nakikiisa sa MMDA ang dalawang siyudad na ito. Sari-sari na rin ang kulay ng traffic enforcer sa kalye ng MM, may blue, orange, yellow, ang hinahanap ko na lang ay ang Pink! Utang na loob, Metro Manila cities are interconnected and contigious, having so many different rules for traffic will not help motorists and commuters at all.

Isa pa ang gugulo ng mga jeepney drivers sa kalsada, ang mga bus sa Edsa sa gitna kukuha ng pasahero na naka-slant pa! Ang mga pasahero, walang pila, unahan at sa gitna sila papara, at dapat kahit sagabal sa trapiko, basta kailangan kapag sila ay pumara dapat tumigil ang sasakyan kahit nasa gitna ng highway, Imagine that! Sa Maynila, walang kamatayan ang mga FX na tigil din ng tigil kahit saan. Masikip na ang kalye, ang dami pang walang disiplina. Hay naku! Sa haba ng trapik at sa gusot-gusot na sasakyan tiyak, kapag sumakay kang dalaga, lola ka na pagbaba.


Bakit hindi natin gayahin ang ibang bansa na tulad nating, medyo maliit land area (which obviously cannot afford to create wider roads). Bakit hindi damihan o buhayin ang train systems? Mabilis na, wala pang traffic.

2. Ang Pasok ng mga Bata - Hindi na nadala ang mga education officials natin, sinabi na maganda kung September magsisimula ang klase sa kung saan, patapos na ang "typhoon seasons". Iginigiit na ang pasok eh sa Hunyo Hanggang Abril. Ang resulta, poor class days, o di kaya paghahabol ng klase sa mga eskuwelahan. Panay, "classes suspended", "No Classes", ayan panay iskul-bukol ang mga estudyante natin, panay bokya dahil, halos wala ng ipinasok, panay "no classes due to Typhoon Chuchu Signal No. 1".

Suggestion: September na lang kasi.

3. Poor Education System, Titatita books at Bugaw Books- These things make me shiver. Why on earth these books pass through the brains and eyes of DepEd, transferring unto our poor kids the stupidity these books carry. Ay naku naman, imagine ang libro ng bata eh may salitang "libog", "mariang-palad", "bugaw" "tita-tita" at samu't-saring mali-maling impormasyon. Hindi ako magtataka na sa isang simpleng game show, yung isang estudyanteng contestant ay hindi masagot kung ano daw ang probinsya na may "L.U." na initials na katabi ng Benguet o malapit sa Baguio City...ang hunghang hindi masagot...La Union po ang sagot at hindi Las Ungas.


Suggestion: stringent qualifications for publications of books in the Philippines, especially for the books used as textbooks. NO BOOK shall be published or be circulated without strictly complying with the content and readability tests of Curriculum and Educational Materials of DepEd. Kung may nag-eexist nga bang expert sa edukasyon sa bansang ito...(?)

4. Basura here, there and everywhere - Simple ang solution sa problemang ito. Pagtuturo sa barangay levels ng waste management. Ang basura sa kasi Pilipinas, kanya-kanya ang tapon, at kanya kanya ang disposal. Ang Pilipino hindi 'environment conscious'. Dito basta ang basura hindi mo nakita sa paningin mo, malinis, kaya ang isang bata sa may Harbor Square sa CCP, nakita ko na tinapon sa dagat, hindi nga naman nya tinapon sa kalsada, eh di hindi kita? diba? Duon sa dalampasigan ng masangsang na Manila Bay. Ang kalat natin hindi natin ma-recycle, pero sa tsismisan, maigi tayo, sa tong-its, sa mahjong pero sa pagrerecycle ng basura. Ayan...wala na. Pero kapag may bigayan tuwing halalan, kapag may libreng show ang mga artista kapag piyesta ayun. Hay. Kailan tayo matututo na ang pagdura sa kalye ay kababuyan, ang pagdura ng chewing gum sa eskinita ay kawalan ng disiplina? Ang pag-ihi sa pader ay kawalan ng urbanidad at ang pagtatapon ng mga kalat sa kalye, sa estero o kanal ay mapaminsala sa kalikasan?

Suggestion: Problema sa Basura ay pwedeng i-delegate sa Baranggay levels to local government units. Instead of centralizing the waste management, it could be localized then centralized, by so doing, much of the garbage were put to recycle process before being collected by waste managers. Strengthening at barangay level garbage implementation at collection. HIGIT sa lahat, dapat MAHIGPIT na pagpapatupad ng anti-littering ordinances, bakit di natin gayahin ang Singapore? Tiyak sa dami ng mapaparusahan, sa dami ng makukulong o magmumulta, malamang hindi na magdeficit ang budget ng Pilipinas.

5. Politicians - simple lang alisin silang lahat. Death Penalty sa sinumang masumpungan at mapatunyang corrupt. No bail, no amnesty, absolutely NO PARDON. basta diretso patayan na. Hay ang saya siguro.

6. Congress - ang dami-dami nila, ang konti-konti ng utak. Patayin din. Kailan matutunan ng bawat Pilipino na ang Kongreso ang "brain mill" ng bansa, kaya dito dapat may kakayahan, integridad ang ibinoboto. Kailangan taong malinis, may malalim na track record sa maliwanag na plataporma de gobierno. Ang kahindik-hindik ay ang pagboto pa ng mga Pilipino ng kung sino sinong Poncio Pilato na walang alam sa gagawin nila sa Kongreso. They are supposed to make laws NOT to manage infrastructure projects in their districts. Dito kasi ginagawa ang mga batas para sa pag-unlad o pagbagsak din natin. Ang problema, walang ginawa ang Kongreso kundi mag imbestiga...in aid of legislation? Hello! Sino niloko nyo? Eh sa isang libong legislative inquiries nyo, wala nga kayong naipasa kahit 10 batas. Naman.

7. Executive - sabay sabay ding tumalon sa Pasig river going to other by swimming, ang makarating sa kabila, bibitayin pag-ahon. Mas Masaya! The Executive Branch is a powerful branch. Pero sa sandamakmak na suhulan dito, suhulan doon. Eh tiyak, sa laki ng perang isinusuhol sa mga tao sa gobyerno kaya ng pakainin nito ang halos 50% ng mga gutom sa Pilipinas o di kaya, mapautang ng kapital ang lahat ng small-scale businessman o farmer sa bansa. Suhulan ng suhulan, ika nga ni Tita Miriam, "pinag-aawayan nyo lang ang mga kick-back ninyo...inaaksaya ninyo ang panahon ng Senado" Eh, Madame Senator, kayo po kaya, hindi?

8. Judiciary - ikulong sa loob ng cabinet ang matatagpuang hoodlums at ignorante sa batas. Lahat ng corrupt ipakain ang lahat ng lumang papel sa korte, tapos bitayin sa labas ng korteng pinaglilingkuran nila, palagay ko, di bale na matagal ang proseso basta tama sa batas at makatarungan. Ang sama, mabagal na may korupsyon pa! Hoodlums in Robes. Kapag ang Korte ay nasira na sa paningin ng tao, baka magpatiwakal na ang bawat Pilipino. The last bastion of democracy, the Court of Last Resort, the Restorer of Democracy, the Impartial Branch of the Government. I hope the judges and the justices of the entire Courts in the Philippines will live with their sworn duties. Maawa naman kayo..


9. Rebeldeng NPA, Terroristang ABUSAYYAF, etc etc. - eto unahin na rin sa bitay. Mga kababayan ko, you are not helping the country by your armed struggles. Makiisa at gawing mapayapa ang Pilipinas. Have you noticed many residents of Sulu, or Basilan were out of home, they cannot farm or do other things because of insurgency? Marami sanang magandang lugar sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi o sa maraming lugar sa Visayas at Mindanao pero, maski ang sibilyan takot kasi may insurgency may kaguluhan. Pagpapaunlad ba yun ng maralitang Pilipino? Dahil dito, nasa Maynila lang o siyudad ang pag-asenso, para na ninyong lalong pinayaman ang mga peti-burgesya at mga Panginoong may-lupa dahil sila lang ang may kakayahan na lumipat at mamuhay sa siyudad at mauunlad na bayan. Paano papaunlarin ang pagsasaka kung bala ang itinatanim duon at hindi palay? Hay mag-isip isip nga kayo.

10. Mga Illegitimate Oppositionists- Sa bansang ito, maigi tayong pumuna, pumukol laban sa gobyerno, pero sa totoong buhay marami ang oposisyon, hindi dahil "equalizer" sila kundi dahil galit sila sa nakaupo dahil naunahan sila o di kaya ay may vested interest din sila sa pwesto. Ang iba gusto ng oposisyon kasi, ito ang pinakamalapad na daan patungo sa mas mataas na pwesto sa gobyerno. Mas palaban, mas mabango. Pero habang marami ang corrupt, marami pa rin namang buti ang ginagawa ng pamahalaan. "Huwag lang mapahikbi o mapa-dighay ang Presidente may komento na sila...come on guys, praise the President if she deserves it.

Dalawa ang klase ng oposisyon sa Pilipinas: Una, Oposisyon sila dahil hindi naman sila ang nakaupo pero kapag sila naman at ang mga kabarkada nila ang nakapwesto, ganun din naman ginagawa nila, kasi may mga vested political interests. Pangalawa, oposisyon lagi, mali at tama, oposisyon pa rin, na kahit kasing-unlad na ng Japan o Europe ang Pilipinas, oposisyon pa rin kasi gusto nila ng ibang uri ng Pamahalaan. Oposisyon sila, na kahit sino ilagay mo sa Palasyo, laging tuta ng Kano, kahit sino gawing Presidente, laging masama ang Presidente. Wala ng mabuti sa kanila, lagi na lang masama, masama, masama. Have you tried asking, what have you done good?

Dito kasi sa atin lahat pinupuna, pero walang isang tao ang nais magbuhat ng daliri para itulong sa bayan. Tama ba na isisi sa Presidente ang pagkatanggal ng bubong nila noong bagyo? ng trapik sa Edsa? ng namatay nilang pusa? ng nabali nilang kuko? Buhay.

Suhestyon at Ilang Pagsusuri

Iniisip ko na dapat siguro magkaroon ng internalization ang mga pulitiko sa paglilingkod nila. Palagay ko masyado silang nasanay sa buhay sa loob ng mga eklusibong subdibisyon na tinitirhan nila. Paano nila malalaman na may problema sa pabahay gayong, ang bahay ng laga nilang aso o ibon ay kasinglaki ng isang bahay ng isang karaniwang empleyado? Paano nila mararanasan na may trapik pala sa Metro Manila, samantalang humaharurot ang sasakyan nila na may mga 'hagad'? Paano nila mararanasan ang hirap ng buhay gayong lahat halos ng pribilehiyo ay nasa kanila, kaya naman naisip ko ang ilang bagay.

Para sa tatakbong Presidente: 'automatic' siyang titira sa isang middle-class o low-cost housing unit, depende pa sa availability ng unit. Bibigyan siya ng isang luma, 2nd hand na kotse, na ipapagas niya sa sweldo niyang hindi tataas sa 20,000 kasama pati overtime. Duon nya lahat kukunin ang panggastos niya sa pamilya niya, pagkain ng first family at bubuwisan din siya ng 32% sa kanyang sahod. May day-off tuwing Sabado o Linggo, kung saan, dapat siyang maglaba, mamalantsa ng gagamitin niya para sa isang linggo. Ewan ko lang, kung hindi patinuin ng Presidente ang pamumuno niya, at ayusin ang 'bureacracy' dahil dama niya ang hirap ng isang karaniwang kawani ng pamahalaan. Kung corrupt, bitay automatic.

Para sa tatakbong Congressman, Senador o Gobernador: titira sila sa Payatas o di kaya ay sa Smokey Mountain (wala na ata nun ngayon). Hindi sila bibigyan ng sasakyan, magje-jeep lang sila patungong Batasan o di kaya magbu-bus. Tingnan ko kung di nila murahin ang usok, trapik at mahal ng pamasahe. Hindi sila bibigyan ng sweldo na mas mataas sa minimum wage mga 6,000 to 8,000 swedlo buwan-buwan kasama pati overtime. Bawal ma-late kasi kaltas sa sweldo, duon na rin nila kukunin ang pag-papaaral ng mga anak nila, pagkain, pamasahe, at pang-ospital. Hindi sila pwedeng magpagamot sa 1st class hospitals, sa government or public health centers sila pwede magpatingin. Tingnan ko lang din kung hindi nila madaliin ang pagpapasa ng 'social services laws' para sa mga tao. Hindi rin sila pwede magpasok ng anak nila sa mga private schools kundi, makikipagsiksikan ang mga anak nila sa overcrowded, over-populated, poorly built public schools natin. Tingnan ko kung hindi nila rebyuhin ang Education laws. Sa pamamasahe, hindi sila bibigyan ng discount kahit senior citizen pa sila, tiyak iisip sila ng paraan para rebisahin ang oil deregulation law. Kung matagpuang corrupt. Bitay automatic.

Para sa mga mayors, konsehal atbp, kasama pati mga cabinet members: automatic na titira sa mga barong-barong sa gilid ng kanal, estero o sa masikip at mabahong mga eskinita. Sweldo na hindi tataas sa 250-300 araw-araw kasama pati overtime. Walang aircon ang opisina, walang bodyguard. Walang sasakyan, automatic silang dapat mag-commute araw-araw. Sa public hospitals din pwede magpagamot. Sa albularyo kung sa mismong siyudad o bayan na pinaglilingkuran nila ay walang ospital. Walang medical benefits, o kaya minsan, hindi sila bibigyan ng social security benefits. Bawal mangurakot, automatic bitay.

Ano kaya? Kung ganito dapat mamuhay o sa ganitong paraan ire-require ng batas ang bawat pulitiko sa bansa na mamuhay, baka wala ng tumakbo sa pulitika. O tiyak siguro, aayusin nila ang batas na gagawin nila, dahil tiyak na apektado sila sa gagawin nilang batas o sa gagawin nilang pamumuno. Minsan nakakalungkot isipin na, "insulated" ang ating mga lider sa sitwasyon ng maraming mahihirap, sa kalagayan ng mga karaniwang tao, sa mga nais ng bawat Pilipino. Hindi nila dama ang mangupahan o di kaya ay tumira sa squatter dahil nasa mga mansyon sila, hindi nila alam ang hagupit ng presyo ng bilihin o gasolina dahil protektado nila ang kani-kanilang negosyo habang nasa kapangyarihan, hindi nila naiitindihan ang sakit ng ulo ng mga misis o ng mga mister na halos magkandakuba para sa below minimum wage na sweldo o di kaya'y kawalan ng hanap-buhay. Hindi nila pansin ang hinanakit ng bawat Pilipino na nanakawan ng milyong-milyong halaga ng buwis na kanila nilang pinagpaguran.

Kung walang gagawa o kikilos para sa bansang ito? Sino? Aasahan ba natin ang mga Amerikano na tulungan tayo? O baka magkandamatay na lang tayo ng dilat?

Sana huwag naman.

1 comments:

lemuel jamez said...

kung mayron man dapat sisihin sa napakadaming problema dito sa Pilipnas ay walang iba kundi tayo LAHAT,,para tayong mga Israelita noong nabubuhay pa si Moises,,puro reklamo at paghihimagsik,,sadyang MATITIGAS ANG ULO ng mga Pilipino,ang mamamayan ay mga suwail,relkamador,,ang GOBYERNO naman ay abuso,brutal,walang awa,pabaya sa tungkulin,,lahat ay selfish